Sunday, November 8, 2009

Awit para kay Junjun

Isang hapon, tumambay si Junjun sa apartment ni Boyet. Dala niya ang kanyang gitara at sabay silang nag jamming habang chumichibog.

Boyet: Pare, may song akong kinompose for you.

Junjun: Para sa akin? Ows?

Boyet: Ayaw mo? E di wag na lang...

Junjun: Seryoso ka? Eh parang chicks naman ako niyan...ginawan mo pa ako ng kanta. Bading na bading tol!

Boyet: Eh sa gusto kong gawan kita eh! Besides, sisiw lang sa akin gumawa ng mga kanta para sa girls, pare. Usually, same lang ang tono tas iniiba ko lang ang lyrics.

Junjun: Kasi trip mo lang mambola...

Boyet: Haha. Pero iba naman kung tinamaan talaga ako sa chicks. Kasi one and only lang ang ginagawa kong kanta kung gusto ko siya talaga. Eto I made this for you for a change naman. At since special ka sa akin...orig ang kantang to!

Junjun: At ako pa ang niloko mo! Sige nga...tingnan natin kung orig nga yang composition mo...

[At nagsimulang mag-gitara si Boyet]

Junjun: Naks. Reggae na reggae ha...

Boyet: [kumakanta] Meron akong kumpare / Kasing gwapo ko't kasing macho / Kasangga sa hirap at ginhawa / Sa inuman, pambababe, at lakwatsa...

Junjun: Bwahaha...ang corny, tol!

Boyet: [kumakanta] Gusto niyang maging ninja / Sa DoTa ay di siya nagsasawa / Sa basketball palaging shoot ang tira / Kagaya ko, marunong din mag gitara...

Junjun: Ganun?! Haha...galing ng rhyming mo pre...

Boyet: [kumakanta] Di siya nagpapalit ng brief minsan / Kinakalimutan niya birthday ko / Di siya nagbabayad ng utang / Sa makatuwid ay manloloko...

Junjun: Tangna! Pare, ang pangit ng kanta mo!

Boyet: [kumakanta] Pero kahit ganun siya / Gustong gusto ko siyang kasama / Mahal ko itong kumpare ko / Na kasing gwapo ko't kasing macho.

[natapos ang kanta]

Junjun: Yun lang? Tapos na?

Boyet: Oo...yun lang.

Junjun: Pakiulit, tol...

Boyet: Ah ganun? Akala ko ba'y di mo gusto ang kanta.

Junjun: Maganda siya, okay?! Sige na...tugtugin mo ulit.

At inawit muli ni Boyet ang kanyang kanta para sa matalik na kaibigan.




ITUTULOY

0 Comments. Comment here.:

Post a Comment