Isang araw, nadatnan ni Junjun si Boyet nag nagmumuni sa labas ng college library.
Junjun: Wow! Toblerone! Penge naman [umakbay sa kaibigan].
Boyet: Ha? O sayo na lang [ibinigay ang toskolate sa kaibigan]. Ubusin mo.
Junjun: Yahoo! Tamang tama gutom na gutom ako. Pero teka...nakakapanibago. Di ba't paborito mo to [binalatan ang tsokolate].
Boyet: Ewan. Parang nasusuka ako pag nakikita ko yan.
Junjun: Eh di swerte. Ubusin ko na to. Bwahahaha! San galing to?
Boyet: Sa basurahan [itinuro ang waste bin].
Junjun: Ugh! Wala namang ganyanan...
Boyet: Biro lang. Bigay ni Maria.
Kinagabihan...Boyet: [sinagot ang telepono na ilang beses nang nari-ring] Hello?
Maria: Boyet! This is Maria!
Boyet: Ma...Maria Fuentes?
Maria: Yup. Yung nagpadala ng Toblerone. Kinain mo na ba? Nabasa ko kasi sa Facebook mo na paborito mo yun.
Boyet: Ahh [napakamot sa ulo]...Oo...ubos ko na. Salamat. Teka...friends ba tayo sa Facebook?
Maria: Hindi. Ginamit ko lang yung account ni Cindy. Kasi until now di mo pa yata ina-approve yung request ko eh...
Boyet: Ah...pasensiya na. Di kasi ako gaanong nag-oonline lately [nag cross ng fingers sa likuran]. At tsaka...paanong...paano mo nakuha number ko dito sa apartment?
Maria: Galing ako diyan kanina. Nagtanong ako sa landlady niyo.
Boyet: A ganun ba? [Nag esep esep] Oi, nandito na sila. Sorry Maria ha. Maglalaro muna kami ng basketball. Bye!
Maria: Uy sandali...wait! May sasabihin ako --
Patay na ang linya.
Ilang araw pa ang nakalipas...Boyet: Pre, di ba nakikinig ka sa Parokya ni Edgar?
Junjun: [kinuha ang earphones] Ha? Ano yun?
Boyet: Sabi ko di ba fan ka ng Parokya?
Junjun: Oh yes! Parokya Forever ako. Haha.
Boyet: Meron silang kanta na parang nakakarelate ako. Pero nakalimutan ko na yung title...
Junjun: Yung latest single nila?
Pangarap Lang Kita?
Boyet: Hmmm...kantahin mo nga.
Junjun:
Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo...di tulad sa yohoho imposible! Oist teka...nakakarelate ka? Parang may mali. Kailan ka pa naging torpe? Bwahaha!
Boyet: Tanga. Hindi yan...old song na ata nila. Yung about sa...about sa pangit na girl na pilit na humahabol sa yo...
Junjun:
Miss miss pakitigil lang please...ang iyong pagpapantasya...Boyet:
Di ka na nakakatuwa...papahuli na kita sa gwardiyang may batutaaaaaaahhhhh
Junjun: Silvertoes!
Boyet: Tama! Naalala ko na. Haha.
Junjun: Teka, sino ba ang bakulaw na humahabol sa yo?
At ilang araw pa ang nakalipas...Maria: Di ba kakabreak niyo lang ni Paula?
Boyet: Oo. Pero may bago na ulit.
Maria: Weh?! [hinampas ng libro si Boyet] Wala naman akong nakikitang girl na umaaligid sa yo ah.
Boyet: Anong pake mo? Tsaka...sinusundan mo ba ako?
Maria: OO! SINUSUNDAN KITA! SA PAG-UWI MO, KAPAG KUMAKAIN KA SA CANTEEN, SA TUWING PUMUPUNTA KA SA CR...SA TUWING TUMATAMBAY KAYO NI JUNJUN...SINUSUNDAN KITA KASI I LOVE YOU AND I WILL DO EVERYTHING AND I WILL ---
Boyet: Oops! [tumingin tingin sa paligid] Shhh...pakihinaan mo nga boses mo.
Maria: Ano ba kasi ang ayaw mo sa akin? Ha? Maganda naman ako...sexy...matalino...sabihin mo na nga kasi na MAY GUSTO KA RIN SA AKIN!
Boyet: Halika nga dito! [kinuha ang braso ni Maria at hinila ito sa isang sulok] Maria...please...layu-an mo ako. Walang akong gusto sa iyo, okay?
Maria: Ang sakit mo naman magsalita... [kinuha ang eyeglasses para ma reveal ang tears kuno]
Boyet: Ta..tama ang sinabi mo. Mabait ka...matalino...
Maria: Maganda...at sexy...
Boyet: Oo na, lahat na...pero di talaga tayo pwede. I'm seeing someone.
Maria: Liar!
Dagliang tumakbo palayo si Maria mula sa eksena. Si Junjun nama'y naiwang namumula --- sa sobrang pigil sa sarili na hindi tumawa.
Nung weekend na yun, nagkita sina Junjun at Boyet sa labas ng isang mall. Junjun: O pre, dala mo ba yung DVDs?
Boyet: Oo andito [kinapa ang body bag].
Junjun: Ayus! Mamaya ko na lang kunin. Kung papauwi na tayo.
Boyet: Pare, favor naman.
Junjun: Sure. Ano?
Boyet: [Nag esep esep] Di na lang. Parang...ang sagwa...
Junjun: Ano? Tulungan kitang mag akyat ng ligaw? Ano?
Boyet: [Nanlaki ang mga mata] Shit...nandito na siya.
Junjun: Siya? Sino? [lumingon sa likuran]
Boyet: Si Maria. Yung kaklase natin sa Nutrition 101.
Junjun: Yung tagiyawat na tinubuan ng mukha?!
Boyet: Shhhh!
Maria: Hi Boyet. Hi Junjun. [ngiting abot tenga]
Isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Nilagay ni Boyet ang mga palad sa mga pisngi ni Junjun...inilapit ang kanilang mga mukha...at nag KISS. Hindi ito basta basta. Hindi rin malaswa kung ikaw ay isa sa mga taong nakasaksi. Parang kakaiba. Parang pilit na naging totoo. Parang babae at lalake...kaso lalake lang sila pareho. Ilang sigundo ang itinagal ng halik na yon.Maria: Hindi! [nilabugay ang buhok sa sobrang gulat] Hindi maaari ito...lalaki ka...lalaki din siya...magkaibigan kayo...
Boyet: Oo...magkaibigan lang kami. But I was so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend...
Junjun: Yes...tama...I love him too...
Maria: MGA WALANG HIYA! MGA SALOT! PARUSAHAN SANA KAYO MGA BAKLA! SINUSUMPA KO KAYO! HINDING HINDI KAYO LILIGAYA! SINUSUMPA KO KAYO!
Biglang dumilim ang kalangitan. Kumulog. Gumuhit ang kidlat. Bumuhos ang malakas na ulan kina Junjun at Boyet na mahigpit na nagyayakapan.
ITUTULOY